Pumanaw na ang South Korean actor na si Lee Sun Kyun na napanood sa Oscar-winning film na "Parasite."

Iniulat ng Yonhap news agency,  na batay sa report ng pulisya, nakita na walang malay si Lee sa loob ng sasakyan sa isang park sa Seoul noong Miyerkules ng umaga.

Bago nito, dumulog umano ang asawa ni Lee sa pulisya dahil umalis ang aktor sa kanilang bahay at may nakita siyang tila suicide note.

Pumanaw si Lee sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa kaniya ng mga awtoridad si Lee kaugnay sa umano'y paggamit nito ng ilegal na droga.

Mahigpit ang pamahalaan ng South Korea sa pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na droga at drug crimes na karaniwang may parusang pagkakabilanggo ng anim ng buwan hanggang 14 taon kung repeat offenders o dealers ang sangkot.

Gumanap si Lee starred bilang mayamang ama sa pelikulang "Parasite," at bumida sa mga South Korean movie kabilang ang "Helpless" at "All About My Wife."

Lead actor din si Lee sa Apple TV+'s first Korean-language original series na "Dr. Brain" noong 2021.—Reuters/FRJ, GMA Integrated News