Nakipagkasundo ang SB19 sa kanilang dating agency na ShowBT Entertainment. Kasabay nito, naayos rin nila ang usapin sa paggamit ng pangalan at logo ng kanilang grupo.
“We formally announce that we have come to an amicable agreement with ShowBT Philippines Corp. through a fair and equitable resolution,” saad sa Facebook post ng 1Z Entertainment, ang bagong kompanya ng SB19.
“Thank you for your patience and unwavering support towards SB19 and 1Z Entertainment. Pablo, Josh, Stell, Ken, and Justin eagerly anticipate reconnecting with all of you in their upcoming endeavors. We can’t wait to see you all again soon,” dagdag nito.
Nitong nakaraang Nobyembre, napansin ng fans na binitiwan ng grupo ang “SB19” sa kanilang official Instagram handles.
Samantalang "MAHALIMA" naman ang itinawag na sa fans ng grupo na dating mas kilala bilang "A’TIN."
Nitong nakaraang mga linggo, isa-isang kinansela ng SB19 ang nakatakda nilang mga show sa Singapore, Bangkok, Dubai, at Japan, na bahagi ng kanilang PAGTATAG! World Tour in Asia para umano "to prioritize their well-being” at “to resolve current complexities affecting the tour.”
Kasunod ng anunsyo ng 1Z Entertainment, nagpahayag ng kasiyahan ang fans para sa grupo.
“We are happy to hear that 1Z Entertainment... our Christmas would be merry and we can't wait to see our boys performing on stage once again... luv you our Mahalima,” saad sa komento ng isang netizen.
Kasunod ng pag-alis ng SB19 sa dati nilang agency na ShowBT Entertainment, inilunsad nila ang sarili nilang kompanya na 1Z Entertainment noong October, na si Pablo ang tumatayong CEO.— FRJ, GMA Integrated News