Dahil na rin sa nakikitang closeness nila ni Arra San Agustin sa "Eat Bulaga," tinanong si Paolo Contis sa "Fast Talk with Boy Abunda" kung ano ang tunay na relasyon nila ng aktres, at kung sila pa ba ni Yen Santos.

Sa segment na "Talk or Dare" nitong Miyerkules, ibinato ni Tito Boy kay Paolo ang "tanong ng bayan" tungkol sa ano ang tunay na relasyon nila ni Arra na co-host niya ngayon sa "Eat Bulaga."

Naging viral sa social media ang ilang video clip at larawan na makikita ang sweetness nila ni Arra.

Pero paliwanag ni Paolo, "'Yung kumakalat sa amin ni Arra, it's an edited video of a portion in 'Eat Bulaga' and it was maliciously edited."

Dagdag pa ng actor-host, "It's a skit, [a love] triangle ni Arra, ako and tsaka ni Candy, played by Betong, and they just keep posting the Arra side of it."

Ayon kay Paolo, ang goal ng Eat Bulaga ay magpasaya ng mga tao at nakikita umano ng publiko ngayon ang magandang samahan nila sa programa.

Tinanong din ni Tito Boy si Paolo na, "kayo pa ba ni Yen?

"Yes," naman ang mabilis na sagot ng aktor.

Nitong lang Enero nang kumpirmahan ni Paolo ang relasyon ni Yen, na nakasama niya sa pelikulang "A Faraway Land." —FRJ, GMA Integrated News