Kinumpirma ni Heart Evangelista na nagkasundo na sila ni Marian Rivera, dahil "real queens support each other."

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing pinusuan ng netizens ang mga usapan ng pagfa-follow nina Heart at Marian sa isa't isa sa Instagram.

Bukod dito, nagkakausap na rin sila sa pribado, ngunit nagdesisyon silang hindi ito isapubliko.

"I don't want it to be anything that's for publicity because something like that should be from your heart. Marian and I, we've always liked each other,'' sabi ni Heart sa panayam sa kaniya sa isang fashion event.

Dahil dito, nagkomento ang ilang fans na "the world is healing" at nakakatuwang nagsusuportahan ang dalawang Kapuso queens.

"Real queens support each other. It's a testament that it's really the people around us that makes things bad," sabi ni Heart.

Nagsimula ang hindi pagkakaintindian umano nina Marian at Heart noong magkasama sila sa pelikulang "Temptation Island." 

Dati silang magkaibigan kaya natutuwa si Heart na muling naayos ang kanilang pagkakaibigan. 

"I guess it's just a matter of time and honestly, I really appreciate her. She has a very strong character but I really appreciate her kindness and her, just her heart," sabi ni Heart.

Tinanong si Heart kung may tiyansa rin silang magkasama sa isang proyekto.

"I don't know kasi siya kasi, busy din siya. But I think for me what's important is, in the real world, we're okay. And that for me is a true queen,'' anang Kapuso fashion icon. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News