Naging guest mentor ang SB19 ng “Team Stellbound” at pinainit ang stage ng “The Voice Generations” sa pag-uumpisa ng battle rounds.

Sa Unang Balita nitong Lunes, mapapanood ang nakaraang episode ng The Voice Generations kung saan todo ang suporta ng P-pop Kings kay Coach Stell.

Bilang guest mentor, game na game ang SB19 members sa pagbibigay ng tips at advice para mapaganda ang “This I Promise You” performance ng FORTEnors.

Pinasaya rin nila ang fans nang awitin nila ang “Liham.”

Biro ni Justin, gusto niyang palitan si Coach Chito Miranda at tatawagin siyang si “Coach Chinito.”

Naghiyawan pa ang studio nang kumasa rin si Chito sa pagsayaw ng GENTO kasama ang SB19. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News