Nagbabalik-telebisyon ang “Kusina Master” na si Chef Boy Logro, na mapapanood sa GMA Integrated News program na “Balita Ko.”

“Sobra. Nakakatuwa, parang nabuhay ulit ako. Parang kailan lang, ito na naman. Maraming salamat!” sabi ni Chef Boy Logro sa Balita Ko nitong Biyernes.

Mapapanood si Chef Boy sa “Tsibugan Na!” segment ng programa.

Para sa unang episode ng “Tsibugan Na!” muling ipinakita ni Chef Boy ang kaniyang superb cooking skills at naghanda ng eggplant meatballs na puwedeng ibaon sa mga sementeryo para sa Undas.

Ayon sa Kusina Master, puwede itong pampamilya o pangnegosyo. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News