Matapos ang 22 taon, nagbabalik sa Pilipinas ang Irish pop-rock band na The Corrs para sa kanilang two-night concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa October 21-22, 2023.

Ang The Corrs ay binubuo ng magkakapatid na na sina Andrea, Sharon, Caroline, at Jim.

Nag-post si Sharon ng Instagram Reel sa pagdating nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na madidinig ang awitin nilang, “The Right Time.”

“This is the right time to be here!” saad ni Sharon sa caption.

Nag-post din ang NAIA sa kanilang IG page ng pagdating ng grupo.

Gaya nang concert nila noong 2001, sold-out na ang kanilang concert sa October 21 at 22.

Kabilang sa hit songs ng Corrs ang “Breathless,” “Runaway,” “What Can I Do,” “All the Love in the World,” at marami pang iba. —FRJ, GMA Integrated News