Inanunsyo ni Tommy ng “Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento,” na lilipad na siya patungong Canada. Senyales na ba ito ng kaniyang pamamaalam sa programa?

Sa ulat ng “Balita Ko” nitong Biyernes, sinabing marami ang natuwa sa departure announcement ni Tommy, na ginagampanan ni Ronnie Henares.

Gayunman, hindi pa rin naniniwala ang “my friend” niyang si Pepito, na ginagampanan ni Michael V.

Nalungkot naman ang kaniyang nobyang si Mara, na tila magre-resign sa PM Mineral Water.

Tunay nga kaya ang pagpapaalam ni Tommy, o isa lamang scam? Tunghayan sa “Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento” ngayong Sabado ng 6:15 p.m. sa GMA Network.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News