Bukod sa pagiging aktres at courtside reporter sa NCAA, pangarap din ni Lexi Gonzales na maging isang newscaster balang araw.
Sa podcast na “Surprise Guest with Pia Arcangel,” inihayag ni Lexi ang hilig niya sa panonood ng mga balita kahit noong bata pa siya.
“Bata pa lang po ako, I really watch all the news shows ng GMA, from 'Imbestigador' pa dati, to 'Saksi' sa pinaka-late nang gabi. I think nagsasaing ako, nanonood ako ng 24 Oras, and of course 'Art Angel.' Ang daming shows na talagang inaabangan ko dati,” sabi ni Lexi kay Pia na host ng "Art Angel.'
“And then sabi ko, ‘Ano kaya ang feeling na ganito ang trabaho?’ Bukod pa roon, you raise an entire generation eh. Like ako, I was raised by really great newscasters, lahat naa-absorb ko dati because of you guys,” pagpapatuloy ni Lexi.
Kaya naman itinuturing ni Lexi na inspiring ang larangan ng pagbabalita at sisikapin niyang matuto at mapag-aralan ito.
"Someday I wanna be a person na nag-aambag ng malaki sa lipunan natin. Up until now I want to be a newscaster someday,” saad ng aktres.
“Pero siyempre mag-aaral muna ako and really go through a lot of challenges and training muna,” anang Sparkle actress.
Mensahe ni Pia kay Lexi, “It’s so nice to see, nakakatuwa. For us who have been in the industry for such a long time, nakakatuwa to meet young people who really want to be a part of the broadcast industry. Naku Lexi, I look forward to working with you sa news.”
Courtside reporter
Unti-unti nang natutupad ni Lexi ang kaniyang pangarap dahil napapanood na rin siya bilang courtside reporter sa NCAA.
“Being a courtside reporter kasi is not easy, so I really have to invest time and knowledge. Siyempre I have to report right, hindi puwedeng mali. And it’s a new world din for me e, so medyo nag-a-adjust pa po ako up until now,” saad niya.
Sa kaniyang pagsalang bilang courtside reporter, napagtanto ni Lexi na hindi ito madali.
“You have to be quick on your feet, kailangan alam mo kung ano ang nangyayari kapag may na-injure, kailangan alam mo agad, kung sino ang na-injure, anong injury, saan na-injure, left knee, right knee, nasiko, nagagalit na si coach. Dapat alam mo ‘yun, so it’s not really an easy job, it’s hard,” kuwento niya.
Dagdag niya, iba ito sa nakasanayan niya noon sa hosting.
“Being a courtside reporter is different kasi other than we write our own reports, kailangan din kilala mo lahat, kilala mo lahat ng nasa court, lahat ng players, lahat ng coaches, physical therapist, so mahirap siya, mahirap siyang trabaho tsaka you have to give way, you have to be smart,” ayon kay Lexi. -- FRJ, GMA Integrated News