Nagluluksa ang "Pepito Manaloto" actress na si Janna Dominguez sa pagpanaw ng kaniyang 20-anyos na anak na si Yzabel Ablan.

Ibinahagi ng aktres ang kaniyang mabigat na nararamdaman sa Instagram post nitong Linggo.

"It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved Yzabel Ablan," saad niya. "She has touched so many lives and she has been an inspiration to many."

Ayon kay Janna, gagawin sa at La Pieta Funeral Homes sa Angeles, Pampanga ang lamay para sa kaniyang anak mula October 8 hanggang 12.

"We invite those who wish to pay their respects and celebrate her life to visit. Knowing Yza it will mean a lot to her," saad ni Janna.

 

 

Nagpaabot naman ng pakikiramay kay Janna ang ilang celebrities sa comments section kabilang na sina Lovely Abella, Ara Mina, at Rocco Nacino.

Mas nakilala si Janna sa kaniyang role na si Maria sa "Pepito Manaloto." Mayroon apat na anak sina Janna at Mickey Ablan na sina Caely, Gabby, Leon, at si Yzabel.—FRJ, GMA Integrated News