Ibinahagi nina Shayne Sava, Abdul Rahman, Zephanie at Michael Sager ang kanilang karanasan nang ma-bully sila noon.

“Competitive nga po ako, so parang lagi akong sumasagot sa mga teachers, lagi akong nagre-recite. So tinatawag nila ako lagi na ‘pabida,’” kuwento ni Shayne sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles.

Si Zephanie naman, nakatanggap din ng mga parinig na “pabida” umano siya.

“Feeling ko lang po merong mga ganu’ng naririnig sa school. Pero hindi ko na lang po iniisip at umiiwas ako sa mga away kasi mahirap magkaroon ng away sa school,” sabi niya.

Bilang Pilipino, nakaranas naman si Michael ng discrimination sa Canada.

“For me, growing up in Canada, I faced discrimination kasi Filipino ako and my classmates were almost all Canadian. It wasn’t super bad but it was something na we can’t avoid, kasi talagang I guess it’s just there,” sabi ni Michael.

Si Abdul naman, nakatanggap ng ilang pang-aasar dahil sa kaniyang relihiyon.

“My race, my religion dito sa Pinas, Muslim po ako, Arabian and I’m proud of it. But people just love to tease,” sabi ni Abdul.

“Bullying is a no no,” paalala ni Tito Boy.

“We can’t avoid but we have to talk about this para aware ang mga bata,” sabi ni Tito Boy.

Bahagi sina Shayne, Abdul, Zephanie at Michael ng istoryang #Frenemies ng pinakabagong youth-oriented anthology series na Sparkle U, na napapanood ng 6 p.m. sa GMA at GTV.-- FRJ, GMA Integrated News