Inihayag ni Sharon Cuneta na nasaktan siya nang i-unfollow ng kaniyang anak na si KC Concepcion ang Instragram account ng kaniyang asawa na si Kiko Pangilinan at kapatid sa ama na si Frankie.

“Among my children, KC is the one that is the most... let’s just say she’s the opposite of me. Ang lakas ng dugo ng papa niya, kaya sila magkasundo, for better or for worse, they are the same,” sabi ni Sharon sa nakaraang media conference ng concert nila ni Gabby Concepcion na “Dear Heart."

“Sometimes ‘pag pinapaalalahanan ang isang tao ng amain, anak, kapatid, mommy, merong mga tao na ayaw nilang...” maingat na pagtugon ni Megastar. “I have to be careful. Ganoon lang, pagtatampuhan.”

“And it hurt me, siyempre noong nag-unfollow-unfollow, pero pamilya kami. This is a family matter,” saad pa niya.

Inihayag ni Sharon na masaya siyang mas close na ngayon sina KC at ama nitong si Gabby.

Gayunman, nagpaalala si Sharon na hindi niya kahit kailan pinagbawalan si Gabby noon na makita si KC matapos silang maghiwalay.

“Since Gabby and I separated, there was never, not once, never a time na hindi niya puwedeng puntahan ang anak niya. I never prevent them seeing each other.”

Bukod dito, idiniin ni Sharon ang lagi niyang sinasabi noon na gusto rin niyang magkaroon ng ugnayan ang mag-ama (Gabby at KC).

“Marami na akong natiis, marami akong puwedeng nagawa noon, pero hindi ko ginawa because of KC. Lahat ng desisyon ko noong araw, because of KC. She was my whole world,” sabi niya.

“I’m happy they’re together now. But I hope no one forgets, least of all KC, all the sacrifices I made when I was raising her because it wasn’t easy,” pagpapatuloy pa ni Sharon.

Ayon kay Sharon, edad 19 siya noon nang ipanganak si KC, at hinahanap pa ang sarili sa pagiging isang adult o may sapat nang gulang.

“I have to trust in the way that I raised my daughter. That’s all.”

Inilahad ni Sharon na pantay-pantay ang pagtingin niya para sa lahat ng kaniyang mga anak.

“I am a mother first. I love KC very, very much. I would die for her, for Frankie, for Miel and Miguel, if I had too. Silang apat lang ang papayag akong mamatay [ako na lang] kaysa sa kanila.”

Humingi naman ng paumanhin si Sharon sa asawa niyang si Kiko sa pagbanggit niya ng pangalan nito hinggil sa isyu.

“I wanna apologize to Kiko and the Pangilinan clan kasi nadawit ‘yung dahil doon sa pagka-public ng pag-unfollow.”

“‘It’s really just a small thing that got a bit out of hand and it’s a family matter.”

Nauna nang inihayag ni Sharon na hangad niyang makausap ang anak na si KC.-- FRJ, GMA Integrated News