Umabot na ng lampas sa limang milyong views at isang milyong reactions ang latest TikTok entry ni Marian Rivera sa kanta ni Rihanna na “If It’s Lovin’ That You Want.”

Mula sa casual outfit na t-shirt with cap, may dagdag pakulo si Marian dahil siya ay naka all-white formal attire habang sumasayaw, ayon sa Unang Balita nitong Martes.

"Can't get enough of this dance!" caption ni Marian, habang naka-tag ang orihinal na dance choreographer na si Brett Sewell.

 

@marianrivera Can’t get enough of this dance! ???? Dc: @brett.sewell ???????? #MarianRivera ? original sound - Marian Rivera

Noong nakaraang buwan, inimbitahan ni Marian ang kaniyang TikTok followers sa kaniyang "Sabay Sabay Tayo" dance challenge para sa tiyansa na makasayaw siya.

Marami na ang nag-submit ng kanilang entries, at nag-react na rin dito si Marian.

Nagsimula ang pagiging Tiktokerist ni Marian sa kaniyang “Price Tag” challenge, na sinundan ng “It’s Plenty” at ang kaniyang “Sabay Sabay Tayo” dance craze dahil sa popular demand. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News