Kinumpirma ni KC Concepcion ang ginawa niyang pag-unfollow sa Instragram account ng kaniyang amain na si Kiko Pangilinan at kapatid sa ama na si Frankie. Pero mayroon din nilinaw ang aktres.

Sa Today's Talk segment ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles, binasa ni Tito Boy Abunda ang pahayag na personal sa kaniyang ipinadala ni KC.

"I have learned my place in people's lives, and out of respect, I will not overplay my part," saad ni KC.

"I am forever grateful to have experienced the love of a father through the experience of having a stepfather since I was 12 years old. I'm sure hindi din po perfect ang journey niya, but I know he's trying his best," pagpapatuloy pa niya.

Ayon kay KC, naniniwala siyang naging mabuti rin siyang anak na bagama’t hindi perpekto, nagmamahal naman nang totoo.

Gayunman, sinabi niyang nasa yugto siya ng buhay na kung saan kaligayahan niya naman ang kaniyang pinahahalagahan.

"I realize po na life is short, sayang po kung aksayahin natin ang time with negativity. I just want the family to be happy, and also myself to be happy," sabi ni KC.

"Yes, I unfollowed on social media platform—but I will not unfollow the lessons I have learned growing up into the woman I am today. I unfollowed, but I will never unlove."

Sa kabila nito, naniniwala si KC na mapagtatagumpayan ng kanilang pagmamahal ang anomang kanilang pinagdadaanan bilang pamilya.

"Family is family," saad niya.

“I have faith na somehow God will bring us all to a happy place, one day,” dagdag ni KC.

Noong nakaraang taon, inihayag ni KC na naging mas bumuti pa ang relasyon nila ng kaniyang ina si Sharon Cuneta. --FRJ, GMA Integrated News