Isinilang na ni Kris Bernal ang panganay nilang anak ni Perry Choi na pinangalanan nilang si Hailee Luca.

Sa isang Instagram Reel, makikita sina Kris at Perry na salitan sa paghawak sa kanilang baby.

“15 days with our #LittleSunshine, @haileelucca!” caption ni Kris. “And, it has been the most magical days of our lives. After the longest pregnancy and hardest labor, I would do it over so many times to meet my #LittleSunshine.”

“The bond between a mother and child is one of the strongest in existence. I’m so inlove!!  It is a kind of love that is never understood until it happens to you,” dagdag pa niya.

“My heart is so full and becoming a mother is the most rewarding and beautiful thing in my life. Thank you, Lord, for giving us a chance to be parents!” ani Kris.

Ayon sa aktres, sa ngayon ay sinasamantala muna nila ni Perry ang pagkakataon.

“For now, we’re really slowing down and soaking up every minute, cherishing it all,” anang aktres.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

 

Inanunsyo nina Kris at Perry noong Abril na inaasahan na nila ang kanilang baby girl. Kamakailan, lumipad sila pa-South Korea para sa isang babymoon.

Naging bukas si Kris sa kaniyang pregnancy journey, gaya ng nararanasan niya sa kaniyang hormones at mga pagbabago sa kaniyang katawan.

Sinabi niya ring umaasa siyang na makukuha ng kaniyang anak ang mga katangian ng kaniyang asawa.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News