Inihayag ni Mav Gonzales na nakaranas na siya ng “situationship,” o isang relasyong itinuturing ng iba na “complicated” dahil walang commitment.
“To be perfectly frank, I have been in situationships as well,” sabi ni Mav sa “Share Ko Lang.”
Ayon kay Mav, naging “situationship” muna ang status nila ng lalaking kaniyang kinakausap noon dahil sa long-distance.
“For me ang naging problema ko po ay, well for one, it was long-distance, the distance was a problem. That was also part of the reason kung bakit a situationship was good kasi ‘Tingnan muna natin kung paano ito mangyayari kasi ang layo natin sa isa’t isa, so hindi ko naman alam kung may future talaga ito.’”
“Kaysa mag-invest ka na agad na ‘Okay relationship na tayo, tayong dalawa lang ha.’ Hindi mo talaga alam kung saan ito pupunta or if may long-term potential. You choose to stay like this first,” pagpapatuloy ni Mav.
Dahil dito, nagkaroon sila ng kasunduan na maaari pa silang makipag-date sa ibang tao.
“We had an agreement na ‘Because we don’t know yet kung tayong dalawa talaga and we’re far away from each other, you can entertain other people. And it was the guy who specifically told me this before na, kasi it was in the pandemic, so walang chance na magkita. Siya, ‘If ever you meet someone na nandiyan malapit and you want to pursue that, okay lang. Because I’m so far and I don’t know when will we see each other,’” kuwento ni Mav.
“It was a very adult way to handle things,” dagdag niya.
Para kay Mav, advantage ng isang situationship na magkakaroon na ang parehong panig ng ideya kung bakit posibleng hindi matuloy ang kanilang relasyon.
“Usually during situationships, if there are cracks, the cracks will show. Kaya you also save yourself from heartbreaks,” anang GMA Integrated News reporter.
Ngunit mayroon ding disadvantage ang “situationships.”
“‘Yung situationship, it's a little bit more than casual nag-uusap kayo every now and then. It's really you're doing relationship things minus the actual relationship label, which I think po makes it more confusing,” saad niya.
Sinabi ni Mav na pagdating sa casually dating, alam ng parehong panig na wala munang commitment o mga pangako.
“But in situationships, I feel like there's always an underlying problem na mayroong isang ayaw sa commitment or takot sa commitment, ganiyan. And of all the people I know who are in situationships or who have been in situationships, parang ang problema palagi ay hindi sila magka-level ng gusto. Like, one person wants to take it slow kasi parang mas career-oriented pa sa ngayon, but one wants a relationship now na,” sabi ng Kapuso journalist.
“But then, dahil si person this ay natatakot na, ‘Hala, baka wala na akong makilala na kagaya nito’ o ‘Sige na nga, parang I'll take what I can get. I'll just stay here kahit na walang label ‘yung situationship namin,’” patuloy niya.
Ngunit dahil madalas pa ring nagkakausap, mas lumalalim pa ang samahan ng dalawang taong nasa situationship nang hindi humahantong sa commitment.
“Kaya parang nagiging magulo ‘yung situationships,” sabi ni Mav.
Ayon pa kay Mav, may mga kilala siyang nasa situationships na nabigo.
“And unfortunately, du'n po sa mga kakilala ko na nagkaroon ng situationships, mas parang mas mataas ‘yung failure rate, Doc, kaysa sa success rate,” saad niya.
Dagdag ni Mav, ilan sa situationships ang nag-uumpisa sa malabong usapan.
“Kasi parang mula sa umpisa, malabong usapan na nga sila and no one really dares to rock the boat. Walang gusto magtanong for fear of, ‘Ay ang clingy naman ito.’ Or ‘Ay, hala, baka matakot siya kasi ang aggressive ko.’ Hanggang sa wala, ‘yung parang ilang weeks or ilang buwan or mayroon pa na tao na ilang taon na nasa situationship, ends up getting heartbroken dahil wala, hindi nalinawan kung ano man sila up until the last moment,” pahayag niya.
Para kay Mav, ang “situationship” ay transition mula sa pagiging magkaibigan, hanggang sa mapagtanto ng dalawang tao na puwedeng may kilig o puwede silang pumasok sa isang relasyon.
“The situationship is the middle ground between friendship and full-blown relationship,” paliwanag niya. “I think when you’re in a situationship, less pressure rin siguro on both of you. But when you’re in a situationship, mas individuals pa kayo, trying to see how well you mesh into each other’s lives.”
Sa naturang panayam, tinanong si Mav kung ano kaya ang gusto niya ngayon: maging single, pumasok sa situationship, o mas gusto na niya ang commited relationship? Alamin sa video ang tugon ni Mav. --FRJ, GMA Integrated News