Nagningning na may kasamang twist si Herlene Budol sa kaniyang ika-24 birthday shoot.
Sa kaniyang Instagram, na makikita rin sa Unang Balita nitong Huwebes, slay like a queen si Herlene suot ang kaniyang white gown at crown.
May personal touch din ang concept ni Herlene, na binalikan kung saan siya nag-umpisa.
“Ang sarap balik balikan ang buhay kung saan ka nagsimula. I am beyond grateful for those people who help me to grow and to become who I am today,” caption ng “Magandang Dilag” star.
“Thank you [Lord] it’s my birthday,” dagdag niya.
Grateful din si Herlene sa mga sumuporta sa kaniyang journey.
Sa Kapuso Web Specials, game na game si Herlene sa Jojowain o Totropahin Challenge.
Ayon kay Herlene, totropahin niya sina Dennis Trillo, Dingdong Dantes, Xian Lim, Rayver Cruz at Adrian Alandy.
Samantala, jojowain naman niya sina Miguel Tanfelix, Aldren Richards, David Licauco, Rob Gomez at Benjamin Alves.
Matapos makilala bilang si Hipon Girl sa ''Wowowin,'' naging first-runner up si Herlene sa Binibining Pilipinas nitong 2022 at wagi pa ng pitong special awards.
Kinoronahan din siyang Miss Tourism Philippines 2023 sa Miss Grand Philippines beauty pageant. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News