Hindi napigilan ni Ysabel Ortega na maiyak sa latest episode ng Voltes V: Legacy nitong Huwebes matapos mamatay si Commander Oscar Robinson, ang ama ng kaniyang karakter na si Jamie Robinson.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Sa kaniyang IG story, makikita ang naluluha at malungkot na mukha ni Ysabel matapos pumanaw si Commander Oscar Robinson, na ginagampanan ni Gabby Eigenmann.

Sa episode nitong Huwebes, inatake ni General Oslak na isang Boazanian ang mag-amang Robinson.

Nagdalamhati at nagbigay-pugay ang buong Voltes V team at Camp Big Falcon sa pagkasawi ng kanilang leader. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News