Nagbigay ng payo si Camille Prats sa mga kapwa niya magulang na maglaan ng mas maraming panahon na makasama ang anak dahil "we don't have them forever."

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Camille ng video ng kaniyang pamilya na magkakasamang nagwo-workout, kung saan sinabi niyang ang mga magulang ang may "greatest influence" sa kanilang mga anak.

“Spend more time with them, get to know their thoughts, make them feel comfortable in telling you things. Appreciate them,” anang Kapuso actress-host.

“We don't have them forever so let's not waste every opportunity to model to them what we want them to learn because it’ll pass,” dagdag pa niya.

Isang netizen ang pumuri kina Camille at sa asawa niyang VJ Yambao dahil sa paraan ng kanilang pagpapalaki.

“You and your husband are such positive influences to your kids.”

 

 

Noong nakaraang buwan, nag-post naman si Camille ng larawan niya na natutulog kasama ang mga anak, na inilarawan niya bilang “magical moment of motherhood."

Ikinasal sina Camille at VJ noong 2017.

Isinilang ni Camille si Nala noon ding 2017, at si Nolan noong 2019.

Meron ding anak si Camille sa una niyang asawa na si Anthony Linsangan, si Nathaniel. May anak naman si VJ na si Ice.--FRJ, GMA Integrated News