Nagninging ang bituin ng mga celebrity na dumalo sa 2013 GMA gala night. Ang mga higit na lumutang ang kagandahan at kakisigan, binigyan ng pagkilala.

Ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang idineklarang “Couple of the Night,” habang ang “Sparkle Love Team of the Night” award ay ibinigay kina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Kasama rin sa binigyan ng “Couple of the Night” award ang newly engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Tumanggap din ng award bilang “Young Star of the Night” sina Ruru Madrid at kasintahan niyang si Bianca Umali.

Si Alden Richards ang idineklarang "Sparkle Star of the Night," habang si Heart Evangelista ang kaniyang naging counterpart sa babae.

Samantala, sina David Licauco at Herlene Budol ang kinilalang “TikTok Crowd Favorite of the Night” (Male and Female).

Narito pa ang ang awards:

1. Avignon Radiant Beauty of The Night: Barbie Forteza
2. LazBeauty Look of the Night: Gabbi Garcia
3. Premier Star of the Night: Jilian Ward
4. The Sparkling Smile of the Night: Jilian Ward
5. FRONTROW Luxxe Royalty: Anne Curtis
6. Luxxe White Face of the Night: Kyline Alcantara
7. Discover Your Travel Sparkle with PAL Photo Contest: Andrea Torres

Ang GMA Gala ay isang fundraising event para sa Kapuso Foundation, na layuning makatulong sa mga mangangailangan.

Vice Ganda, nakita ang idol si Michael V.

Samantala, nagmistulang fan ni Michael V si Vice Ganda nang magkita ang dalawa sa GMA Gala 2023.

Kabilang ang ilang Kapamilya sa mga dumalo sa naturang event ng GMA. Bukod kay Vice, nandoon din sina Joshua Garcia at Anne Curtis.

Sa Instagram Stories, nag-post si Vice nang pagkikita nila ng Kapuso comedy genius na si Michael V., na tinawag niyang "idol."

Sa video, ipinakita ng "It's Showtime" host si Anne Curtis, at isinigaw ang pangalang "Bitoy," na tawag din kay Michael V.

Nagbigay naman si Bitoy ng kaniyang energetic na pagbati, habang tuwang-tuwa naman si Vice sa ginawa ng kaniyang idol.

 

— FRJ, GMA Integrated News