Sinagot ni Barbie Forteza ang tanong kung sino kina Jak Roberto at David Licauco ang kaniyang makaka-date sa GMA Gala ngayong Sabado.

Sa kaniyang Twitter, na makikita rin sa ulat ng Saksi nitong Biyernes, sinabi ni Barbie na nagkaroon siya ng sakit, kaya nagpapagaling siya bago dumating ang GMA Gala.

Si Jak ang real-life boyfriend ni Barbie, at ito rin ang kaniyang plus one sa red carpet noong nakaraang taon.

Si David naman ang kaniyang ka-“BarDa” love team, na nakasama niya sa “Maria Clara at Ibarra,” at sa upcoming series na “Maging Sino Ka Man.” — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News