Inihayag ni Geneva Cruz ang mga aral na kaniyang natutunan sa hiwalayan nila noon sa mga dati karelasyon, partikular kay KC Montero.

“Natutunan ko na huwag pabigla-bigla sa mga desisyon when it comes to marriage. Actually I’m friends with the both of them,” sabi ni Geneva sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes.

Tinutukoy ni Geneva sina Paco Arespacochaga at KC.

“Pero I really consider my second marriage, kasi annulled ‘yung marriage namin ni Paco (Arespacochaga), so I consider my second marriage my real marriage and my very first relationship talaga, kasi we were together for 10 years,” pagpapatuloy ng singer-actress.

May isang anak sina Geneva at Paco na si Heaven.

Dalawang beses namang nakunan si Geneva sa anak nila ni KC, ayon sa ulat ng Pep.ph.

“He’s now happily married, and with a baby and I’m so happy for him, and he deserves that,” sabi ni Geneva tungkol kay KC.

“Ang sa akin lang, natutunan ko lang talaga is noong time sa amin na sana mas nagbigay pa ako ng oras and sana mas nakapagpatawad ako dahil lahat naman tayo nagkakamali,” paglalahad niya.

“‘Yun ang mga bagay na ni-regret ko noong bata ako kasi we were in our early 30s noong naghiwalay kami. Life is short, Tito Boy, and you ask for forgiveness from people that you’ve hurt in the past, and then ganu’n din. I think that what you actually sow, you reap,” paliwanag niya. --FRJ, GMA Integrated News