Trending at mainit na sinalubong si Julie Anne San Jose sa kaniyang pagbisita sa noontime show na “It’s Showtime” nitong Lunes.

Sa Chika in a Minute ng “24 Oras,''  sinabing mainit ding tinanggap ng ''It’s Showtime'' family at madlang people ang Asia’s Limitless Star.

Pinusuan din ang live performance ni Julie, na nag-promote rin ng pelikula nila ni Rayver Cruz na “The Cheating Game.”

Mapapanood na sa big screen ang “The Cheating Game” simula Hulyo 26.

Sa kaniyang Instagram, pinasalamatan ni Julie ang “It’s Showtime” sa pagpapahintulot sa kaniya na mag-perform sa kanilang stage.

“What’s up, Madlang People,” caption ni Julie.

“Maraming salamat ['It’s Showtime'] sa masayang tanghali,” pagpapatuloy niya.

Suot ang kaniyang pasiklab na red outfit, may mga larawan din siyang kasama ang “It’s Showtime” hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News