Muling gagawa ng pelikula ang dating "Eat Bulaga" host na si Jimmy Santos, kasama ang bagong dabarkads na si Paolo Contis.

Sa Instagram ngayong Lunes, nag-post ang Sparkle Artist Center ng mga larawan na magkasama sina Paolo at Jimmy.

READ: Komedyanteng si Jimmy Santos, nangangalakal nga ba ng 'basura' sa Canada?
 

"Paolo Contis is with his co-star Jimmy Santos in Tasmania, Australia. Catch them on a Mavx movie real soon," saad sa caption.

 

Sa IG page ni Paolo, makikita na kasama rin sa pelikula na ginagawa sa Australia sina Kaye Abad at Patrick Garcia, na mistulang "Tabing-Ilog" reunion.

Wala pang ibang detalyeng inilalabas tungkol sa naturang pelikula. Pero sa IG page ni Patrick, sinabi ng aktor na natapos na nila ang Day 8 ng shooting.

Ang naturang pelikula ay mula sa Mavx productions, ang film studio sa likod ng "Unravel" nina Kylie Padilla at Gerald Anderson, pati na ang "Dollhouse" ni Baron Geisler.

Dating basketball player si Jimmy, na bukod sa pagiging artista at TV host, pinasok na rin niya ang pagiging vlogger. — FRJ, GMA Integrated News