Tila isang panaginip para sa award-winning Fil-Am choreographer na si Brian Puspos na nakatrabaho niya on stage ang global superstar na si Jung Kook.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa ''24 Oras Weekend'' nitong Sabado, sinabing ang collab nina Brian at Jung Kook ay bahagi ng promotion ng solo debut single ng BTS member na “Seven.”

Pinasalamatan ni Brian sa kaniyang Instagram si Jung Kook sa tiwalang ibinigay ng K-pop idol sa kaniya.

Matatandaang gumawa sina Jung Kook at Jimin ng dance cover ng isang dance choreography ni Brian anim na taon ang nakararaan. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News