Inilahad ni Alden Richards na hindi niya naiwasang ma-intimidate nang una niyang makatrabaho ang “Megastar” na si Sharon Cuneta.
“Intimidation is there. Megastar po ‘yun,” sabi ni Alden sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.
Ngunit nalagpasan ito ni Alden hanggang sa maging komportable na sila sa isa’t isa ni Sharon.
“When we first met for the workshop for the movie po, parang all the walls already broke. Siyempre iba pa rin po yung nasa likod po kami ng camera, we can be ourselves,” saad ng Asia’s Multimedia Star.
Sa kanilang pagiging close, tila mag-ina na ang relasyon nila ni Alden at Sharon. Katunayan, ‘mama’ ang tawag ng binata sa Megastar.
“Si mama kasi po, pag nasa standby area po kami, or hindi pa nagro-roll yung camera, you can just, you can be yourself around her. That’s how she makes me feel,” sabi ni Alden na magiging host din ng “Battle of the Judges”.
Nauna nang ihayag ni Alden na “kulang na lang ang birth certificate” sa relasyon niya kay Sharon. --FRJ, GMA Integrated News