Sinagot ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. ang reklamong copyright infringement and unfair competition na inihain laban sa kanila nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing inihain ng mga dating host ng "Eat Bulaga" ang reklamo sa Marikina Regional Trial Court.
Naglabas naman ng pahayag tungkol sa reklamo ang legal counsel ng TAPE Inc. na si Atty. Maggie Garduque.
Ayon kay Garduque, "It is not a copyright infringement. Eat Bulaga name, the design of the name and the logo is a trademark and not subject of copyright."
"TAPE Inc. has the registration of the tradename Eat Bulaga so they cannot file infringement against the registered owner of the trademark. Their petition for cancellation of trademark of Eat Bulaga is still pending before the IPO and until such time that said petition is granted, the trademark Eat Bulaga and EB will be owned by TAPE Inc," patuloy pa ng abogado.
Kasama rin sa reklamo ang GMA Network Inc., kung saan ipinapalabas ng TAPE Inc. ang "Eat Bulaga" bilang blocktimer.
"We will refer the complaint to our legal counsel, Belo Gozon Elma Parel Asuncion and Lucila Law Offices," ayon sa inilabas na pahayag ng network.
Nitong nakaraang Mayo 31 nang kumalas sina Tito, Vic, Joey, at iba host ng "Eat Bulaga" mula sa TAPE Inc. —FRJ, GMA Integrated News