Sa kaniyang kasikatan noong dekada 90's bilang OPM singer at aktor, kabilang sa naging avid fans ni Ariel Rivera ang mga kolehiya. Kaya naman nabansagan siyang "Kilabot ng mga Kolehiyala."
Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, inamin ng aktor na hindi niya gusto ang naturang "titulo."
"I did not [like it]," ani Ariel sabay sa paliwanag na, "it was so presumptuous of me to feel na all these kolehiyalas love me. It's so presumptuous of anybody to feel that way."
"It's just not me," dagdag niya.
Nagmula sa Canada si Ariel ay hindi niya agad nalaman na si Hajji Alejandro ang orihinal o naunang binigyan ng titulong Kilabot ng mga Kolehiya.
"Wala namang akong alam sa history of OPM at that time. But how could you take somebody's title?," dagdag niya.
Ayon kay Ariel, kabilang ang partner ni Tito Boy na si Bong Quintana, sa mga nag-isip ng bansag sa kaniya.
"There were a few times, si Bong kasi would always be backstage. Sasabihin nila nina Hansel, [I'll introduce Ariel as kilabot]. I told Bong, 'you introduce me as that, hindi ako lalabas ng stage'," kuwento ng singer-actor.
Gayunman, dumakit pa rin kay Ariel ang naturang titulo.
Nang tanungin naman si Ariel kung ano wildest experience niya sa isang fan, ikinuwento niya ang isang insidente sa kaniyang show.
"We take girls up the stage and we give them a kiss. When it was my time for me to kiss her, she grabbed my face and — [lips to lips] kami. Tapos the next day, ka-date ko na siya," natatawang sabi ni Ariel.
Taong 1997 nang mapangasawa ni Ariel ang aktres na si Gelli de Belen. — FRJ, GMA Integrated News