Inamin ni Rita Daniela na hiwalay na sila ng kaniyang non-showbiz partner na ama ng kaniyang anak na si Baby Uno.
Sa episode ng "Fast Talk With Boy Abunda" nitong Huwebes, sinabi ng singer-actress na apat na taon ang relasyon nila ng kaniyang dating nobyo.
"Naghiwalay na po kami nung Tatay ni Uno. We really tried our best just like everybody else but it didn't work out," ayon kay Rita.
Gayunman, sinabi ni Rita na nananatili silang magkaibigan ng kaniyang dating nobyo at magkatuwang nilang itataguyod ang kanilang anak.
"I'm actually proud of ourselves, kaming dalawa, kasi hanggat maaga inaayos na namin siya para kapag lumaki na si Uno, alam mo po 'yun, peaceful po kami and we can still be a family," pahayag ng aktres.
Isinilang ni Rita ang kaniyang anak noong nakaraang Disyembre, bago magpasko.
Bago nito noong Setyembre, naging usap-usapan na paghihiwalay nila ng ama ni Uno. Pero ninais ni Rita na maging pribado ang kaniyang personal na buhay.
Ayon kay Rita, una niyang sinabihan ang kaniyang kapatid tungkol sa hiwalayan nila ng kaniyang nobyo.
“Ang sinabi ko noon, ‘Ate I think wala na kami,’ ganu’n lang, casual. ‘At saka sigurado na kami.’ Kasi alam naman ng family ko na tina-try namin many times. Matagal din kami together, almost four years. We really tried our best.”
Sa kabila ng nangyari, masaya si Rita na maayos silang naghiwalay ng kaniyang partner, bagama’t inamin niyang naging masakit din ito para sa kaniya.
“i’m happy kasi klaro naman ‘yun sa aming dalawa na ito ‘yung papel namin sa buhay ni Uno,” anang Kapuso actress. “But of course definitely masakit, painful ‘yun sa akin bilang nanay.”
Kung sakaling magtanong sa kaniya si Uno, nakahanda na si Rita kung paano ito paliliwanagan.
“Ang sasabihin ko, ‘Anak, si nanay at tatay nagmahalan nang sobra kaya dumating ka. Nagkataon lang talaga anak na may mga bagay sa buhay na hindi para sa isa’t isa, at isa kami roon ng tatay mo. That’s what happened.”
Inilahad ni Rita ang mensahe para sa kaniyang anak.
“First of all thank you so much for giving me this opportunity because not every mom can have this opportunity. Uno, nanay will always love and support you now matter what. I love you for who you are, keep being you and I’m very proud of you. Always remember anak that you are kind, you are important, you are loved, you’re blessed, that Jesus loves you and He’s always with you," ani Rita.
“I promise to sing for you, always and forever. So anak, ano ba tayo, red wine or white wine?” pagpapatuloy niya.—FRJ, GMA Integrated News