Sa tulong ng artificial intelligence, nakatakdang maglabas ang 1960s iconic rock band na The Beatles ng bagong kanta kasama ang boses ng namayapang bokalista na si John Lennon.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabi ni Paul McCartney na nakatakda silang i-release ang kanta ngayong taon.

Sa tulong ng artificial intelligence, nakuha nila ang boses ni Lennon base sa dating demo na ginawa ng kanilang banda.

Hindi pa sinabi ng Beatles kung anong awitin ang kanilang ire-release. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News