Inilahad ni "Rosalinda" leading man Fernando Carillo na minsan siyang bumisita sa Pilipinas at naka-dinner date si Korina Sanchez kasama ang ilang kaibigan.

Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes, inihayag ng Venezuelan actor ang paghanga niya sa kagandahan ng mga Filipina.

"I don't think I fell in love, but I've always been attracted to the beauty of Filipino women," sabi ni Fernando kay Tito Boy.

"I've met some very beautiful women, and I keep meeting beautiful women," dagdag niya.

Nang tanungin ang aktor kung may naka-date na siyang Filipina, nag-alinlangan sa umpisa si Fernando na sagutin ang tanong.

Pero sa patuloy na pag-usisa ni Tito Boy, ikinuwento na ni Fernando ang tungkol sa dinner date nila ni Korina.

"I have huge respect for Korina Sanchez, she's a good friend, and I respect her very much," pagsisimula ng aktor.

"We did an amazing interview in Miami, and then I came to the Philippines once, and we went to have dinner with some friends," patuloy niya.

Kilala si Fernando sa kaniyang naging karakter na si Fernando Jose, bilang leading man ni Thalia sa hit series na "Rosalinda."

Noong 2009, nagsagawa ng remake ang GMA sa "Rosalinda" na pinagbidahan ni Carla Abellana.

Sa naturang panayam, sinabi ni Fernando na gusto niyang matuloy na makatrabaho si Carla.--FRJ, GMA Integrated News