Nagpositibo sa COVID-19 ang miyembro ng Blackpink na si Jisoo, dahilan para hindi muna siya makasama sa mga concert ng grupo sa Japan.

Sa ulat ng Saksi, sinabing ito ang kumpirmasyon ng kaniyang label na YG Entertainment.

Dahil dito, hindi muna makakasama si Jisoo sa “Born Pink” concert sa Japan nitong Hunyo.

Humingi ang YG Entertainment ng paumanhin at pag-intindi sa nangyari. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News