Kinaaliwan ng netizens ang cute photo habang magkatabi ang anak ni Marian Rivera na si Sixto, at anak ni Sofia Andres na si Zoe. 

Sa Instagram, ibinahagi ni Sofia ang larawan ng dalawang bata na magkatabi sa upuan para manood ng Disney's live-action remake of "The Little Mermaid."

Ang naturang private screening ng "The Little Mermaid" ay para sa mga celebrity mom.

Sa larawan, makikita na nakaakbay si Sixto at hawak ng isa pang kamay ang kamay ni Sofia.

Tila may sinasabi si Sixto, habang nakikinig naman si Sofia.

Ilan sa followers ni Sofia ang nakapansin na may chemistry ang dalawa. May nagsabi ring bagay sina Sixto at Sofia na maging love team sa hinaharap.

May nagsabi rin na mabilis paglaki ng dalawang celebrity kids.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

 

Napakomento naman ang Kapuso Primetime Queen na si Marian ng, "Ay, sus."

Sa Instagram Stories ni Marian, sinabi ng aktres na nandoon din sa event sina Sheena Halili, Chynna Ortaleza, at Zeinab Harake.

Kasamara naman ni Kyline Alcantara na dumating ang ka-love team na si Mavy Legaspi.-- FRJ, GMA Integrated News