Nanatiling mataas ang energy ni Taylor Swift at itinuloy ang kaniyang mahigit tatlong oras na “The Eras” concert sa kabila ng walang tigil na pag-ulan sa Foxborough, Massachusetts nitong weekend.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing tuloy pa rin si Taylor sa pagkanta, pagtugtog at pagsayaw kahit basang basa na ang American singer-songwriter sa ulan.

Nagpasalamat siya sa fans na tinapos ang show kahit masama ang panahon.

Umulan din sa kaniyang concert sa Nashville, Tennessee, ngunit tinapos niya rin ang show.

Sa Amerika pa lang may “The Eras” tour shows.

Samantala, gumawa rin ng sariling version ng “The Eras Tour” ang Pinoy Swifties sa isang mall sa Quezon City.

Sa naturang programa, meron pang nagtanghal na isang Taylor Swift look-alike.

Hiling ng fans ni Taylor sa Pilipinas na isali ang bansa kapag magkaroon ng international tour. —LBG, GMA Integrated News