Nagtamo ng minor injuries si Gab Valenciano nang masagi umano ng SUV ang minamaneho niyang motorsiklo sa freeway sa California, USA.

Ibinahagi ni Gab ang kaniyang karanasan sa post sa Instagram, na makikita ang mga galos na kaniyang tinamo mula sa naturang aksidente.

"I got side swiped on the freeway by an suv at around 75mph which launched me a good 70ft away from the collision," ayon kay Gab sa caption ng kaniyang post.

"I was in full gear but because of the force of the impact and momentum, it burned through my jacket and pants," patuloy niya.

Ito umano ang kaniyang unang aksidente sa buhay niya, at sa halos dalawang dekada na siyang nagmomotorsiklo.

"This is the first accident in my entire life that I did not expect or see coming. Been riding for close to two decades and still, new unexpected experiences to learn from," sabi pa ni Gab.


Nagpasalamat naman si Gab sa mga driver, riders, at sa rescue at medical team na rumesponde sa kaniya.

"I also want to commend all the firemen, police officers and EMTs who were professional, efficient and kind. I have never felt so safe after a major accident," ayon kay Gab.

Nito lang Abril nang magpasya si Gab na bumalik na at manirahan sa US. --FRJ, GMA Integrated News