Masusundan na ang panganay na anak nina Nicole Donesa at Mark Herras.
Ibinahagi ni Nicole ang magandang balita sa kaniyang social media post nitong bisperas ng Pasko tungkol sa kaniyang pagbubuntis.
Sa post, makikita sa larawan sina Mark at ang panganay nilang anak na si Corky, pati na ang ultrasound images ng paparating nilang bagong baby.
"The best gifts don’t come under a tree. This Christmas season, God gave us not one, but TWO gifts. Not only do we get to finally move into Casa Corky, but God surprised us with another unexpected blessing," saad ni Nicole.
Kasabay nito, binati ni Nicole ang kaniyang pamilya at mga kaibigan ng maligayang Pasko.
"From our growing family, we wish you the Merriest of Christmases. Besides… THE MORE, THE MERRIER hehe," ayon sa aktres.
Naging engaged sina Mark at Nicole noong June 2020.
Enero ng 2021 nang isilang ni Nicole si Corky, at nagpakasal ang mag-asawa noong Setyembre ng nasabi ring taon. — FRJ, GMA Integrated News