Naging maulan ang pagsalubong ng Pasko sa Metro Manila netong Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita, walang katao-tao sa Rizal Park pagkatapos ng Noche Buena dahil sa pagulan na naranasan simula pa kagabi. 

Ganito din ang sitwasyon sa Kartilya ng Katipunan kung saan naging picnic area noong nakaraang pasko ang bagong tayong Binondo-Intramuros Bridge na dinarayo dahil sa magara at maliwanag na mga ilaw nito.

Sa Liwasang Bonifacio, wala ding bumisita para mag picnic sa Noche Buena.

Pero hindi naman nagpaapekto sa ulan ang selebrasyon ng Pasko ang ilang kabahayan sa Maynila na patuloy na nagsaya noong Noche Buena.

Ayon sa PAGASA, mataas ang tsansa ng pagulan sa magdamag ngayong Pasko

"Inaasahan natin dito sa Metro Manila mataas pa din yung tsansa ng pagulan dulot ng Shear Line. Ang Shear Line ay magpapaulan sa Metro Manila, Central Luzon, Bicol Region, Eastern visayas, Romblon, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro," sabi ni PAGASA weather specialist Veronica Torres. 

"Northeast Monsoon, cloudy skies with rains sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region naman," dagdag ni Torres.

—VAL, GMA Integrated News