[Trigger warning: mentions of suicide]
Pumanaw na ang Korean trot singer na si Haesoo nitong Mayo 12. Ayon sa ulat, nakitang wala nang buhay ang mang-aawit sa kaniyang bahay.
Sa pamamagitan ng isang pahayag mula sa isang kinatawan, kinumpirma ang pagpanaw ni Haesoo sa kaniyang official fan café Haesoopia.
“We feel apologetic to have to convey such heartbreaking and sad news,” saad sa pahayag na lumabas sa Soompi. “On May 12, Haesoo left our side and became a light in the vast ocean.”
“Haesoo was a warm person who knew how to give love to those around her, share affection, and receive it,” sabi pa sa pahayag.
Sinabi pa na ang naulilang pamilya, mga kaibigan at katrabaho ni Haesoo “are all mourning her with heavy hearts after being informed of the sudden sad news.”
Gagawin umano na pribado ang burol para sa mang-aawit, ayon na rin sa kahilingan ng pamilya.
Pakiusap pa sa pahayag, “We earnestly ask you to refrain from spreading speculation, malicious reports, and rumors so that the deeply saddened bereaved family may mourn and peacefully send off the deceased.”
Ayon sa ulat ng Soompi, sinabi ng awtoridad na nakita ang trot singer na wala nang buhay sa bahay noong May 12. May pinaniniwalaang suicide note na nakita rin sa lugar.
Nitong May 15, nakumpirma na si Haesoo ang naturang singer.
Isinilang noong 1993, nagsimula si Haesoo bilang trot singer noong 2019. Napanood din siya sa mga programang “Immortal Songs” at “Boss in the Mirror.”
Sa Pilipinas, mayroon mga mental health hotline na puwedeng tawagan kung nais na may makausap. Tulad ng National Center for Mental Health: 0966-351-4518 (Globe/TM), 0917-899-8727 (Globe/TM), o 0908-639-2672 (Smart/Sun/TNT). — FRJ, GMA Integrated News