Nilinaw ni Heart Evangelista na hindi niya inisnab [snub] si Dra. Vicki Belo noong pumunta sila sa Italy para sa Milan Fashion Week.

"Hindi ko siya nakita," pagklaro ni Heart tungkol sa naturang usapin sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

Dagdag ni Heart, nakatuon ang kaniyang pansin niya noon sa mismong show.

"I'm not there to chitchat. I'm there to immerse myself,” saad ng Kapuso fashion icon.

"Sa mga hindi nakakaintindi, but it's art, and you appreciate art. And for me ‘yun talaga ang hilig ko eh. So talagang nagfo-focus ako," paliwanag niya.

Ayon kay Heart dumalo siya sa isang event na tampok ang mga modelong puro mga kambal.

"Siyempre wala ka nang makikitang ibang tao. It's such an experience and sometimes everything else is a blur," dagdag niya.

Nauna nang nilinaw ni Dra. Vicki na hindi sila inisnab ni Heart, at dahil hindi umano alam ng aktres na pumunta rin sila ni Alex Gonzaga sa event.

"How could she [Heart] snub us when she didn't even know we were there? And we never ever saw each other," sabi ni Dra. Vicki.

"If you watch the Vicki Belo vlog, you will see that Alex and I were just kidding and joking around,” dagdag pa ng doktora. -- FRJ, GMA Integrated News