Ibinahagi ni Snooky Serna na muntik na siyang mawalan nang pag-asa nang dumating siya noon sa lowest point ng kaniyang buhay. Bagaman may mga taong tinapak-tapakan pa siya kahit bagsak na, mayroon din namang mabubuting tao na tumulong sa kaniya para makabangon tulad ni Boy Abunda.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, tinanong ng King of Talk si Snooky tungkol sa kaniyang worst at best moments sa buhay.
“Worst ko is when people misinterpret my kind intentions, masakit ‘yon. Tao lang naman tayo. When people make fun of it,” sabi ni Snooky.
“And ‘yung high point ko is, more often than not, I’m grateful and I’m thankful. I always feel high. High kapag ganito ngayong kausap kita, ‘pag umaarte ako, kapag nasa set ako, when I’m doing something creative,” pagpapatuloy ng veteran actress.
Tinanong din si Snooky kung kailan naging mabuti at naging malupit sa kaniya ang showbiz industry sa 53 taon na niyang pananatili rito.
“There was a two-year period in my life that I was at my lowest point. Doon mo makikita… Totoo kasi than when you are at your lowest point minsan it’s either tatapakan ka, sisipain ka, or ida-down ka ng mga tao. Or tutulungan ka. Dalawa ang klase ng tao sa mundo eh,” paglalahad ni Snooky.
‘Yung mga taong not so nice, na-experience ko sila noong nasa baba ako. Na talagang instead of tulungan ako, pinagtawanan pa ako, nilait pa ako, sinulat pa ako ng exaggerated at lalo pa akong sinipa-sipa pa ako at dinurog durog pa ‘yung katauhan ko,” ayon pa sa kaniya.
Gayunman, hindi nakalimutan ni Snooky ang mga taong naging mabuti sa kaniya nang maranasan niya ito, gaya ni Tito Boy.
“Pero there were people like you Tito Boy… And I want to take this moment to thank you, maiiyak ako Tito Boy, that you were one of those people who were so kind to me. And when you’re so down and out, a little kindness talaga goes so much, goes a long, long way. And it really can save one’s life,” saad niya.
Kamuntikan pa umanong mawalan ng pag-asa si Snooky, ngunit nanumbalik ang sigla niya dahil sa mga nakilala niyang mabubuting tao.
“Noong time na ‘yun siguro baka pa nga I was at the brink of doing something bad. But because of people like you Tito Boy, and I’m not here to flatter, I’m just speaking my heart out. Talagang nagkaroon ako ng... it was an incentive for me, for lack of a better word, na mabuhay pa at ituloy pa ang laban. Thanks Tito Boy,” sabi ni Snooky.
--FRJ, GMA Integrated News