Isa si Michael Sager sa mga Kapuso actor na nabanggit ni Zephanie na naga-guwapuhan siya. Pero sino o ano nga ba ang aktor sa buhay ngayon ng young singer?

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, inilahad ni Zephanie ang tatlong Kapuso stars na naga-guwapuhan siya.

"Naga-guwapuhan po ako kay Kuya Christian Bautista. Pangalawa, sino po ba ang hindi naga-guwapuhan kay Miguel Tanfelix?" saad ni Zephanie.

“Lastly, Michael Sager,” pagpapatuloy niya.

Dahil dito, tinanong ni Tito Boy si Zephanie kung sino si Michael sa kaniyang buhay.

“Michael Sager po si my best friend. Isa po siyang espesyal na tao sa buhay ko, na masasabi kong maraming na-contribute sa happiness [sa] parts ng life ko," tugon ng singer.

"1-10, halimbawa 10 magkakaroon na kayo ng young love, nasaan si Michael Sager?" tanong pa ni Tito Boy.

“Siguro po mga 5-7. Puwede na rin pong 10," masayang sabi ni Zephanie.

Para kay Zephanie, mahalaga sa kaniya ang pamilya o loved ones, career at kaniyang pananampalataya. Pero sa tatlong aspeto ng kaniyang buhay, may lugar si Michael sa kaniyang “loved ones” at “career.”

"I think nasa career din po kasi kasama ko rin po siya sa work eh," saad niya.

Si Zephanie ang kumanta ng theme song na “Luv Is: Caught in his Arms," na kabilang si Michael sa mga bida.

Makikita sina Zephanie at Michael na magkasama sa kani-kanilang Instagram post. --FRJ, GMA Integrated News