Inihayag ni Kylie Verzosa ang plano niyang pagdedemanda sa isang pahayagan na tinawag umano siya sa iba’t ibang pangalan at paulit-ulit pang nagre-repost ng artikulo sa kanilang social media.
“It’s not that nasaktan ako sa headline. Siguro it was the number of times it was reposted. Mga one week sila dire-diretso na nagpo-post of the same article. And it wasn’t even the article... I did my research, they posted it siguro by this time mga 24 times already,” pagbabahagi ni Kylie sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles.
“I don’t think women should even go through that. Kasi they call you different names… Ginawa ko ‘yun para tumigil na sila sa pagsusulat ng gano’n, not only to me but other people as well,” sabi ng beauty queen.
Kinlaro naman ni Tito Boy kung gagawin niya ito dahil sa nararamdaman ba niya na hindi siya secure sa kaniyang sarili at napipikon pa rin.
“It’s not about the headline. Because they have called me many things. It’s the number of times na they keep on doing it in a week, seven days in a row, three times a day,” tugon ni Kylie.
Tinanong ni Tito Boy kung ano ang maipapayo niya sa mga batang nais maging katulad niya.
Saad ni Kylie: “Just be yourself. Ako at this point in my life, I’ve learned to surround myself with people who just support me. Mas binabantayan ko kung sino ang pinapapasok ko sa buhay ko."
Patuloy niya, "Kasi maraming tao sa buhay ko, pero I’m very protective of my boundaries, I’m very protective of who I spend my time with, I spend my energy with. I have dreams and goals, and I want the people na I surround myself with to push me towards where I’m going.”
--FRJ, GMA Integrated News