Ikinuwento ni Kylie Verzosa kung paano sila nagkakilala ni Steven Seagal habang dumadalo sa isang film festival sa Dubai. 'Nagparamdam' kaya sa kaniya ang American action star?

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, sinabi ni Kylie na nagkakilala sila ni Steven sa Distinctive International Arab Festivals Awards sa Dubai kung saan itinanghal siyang Best Actress.

“I felt bad kasi ‘yung katabi ko tinanong siya, and that’s Steven Seagal, tinanong siya ‘What’s your name? Where are you from?’ So nagpakilala na ako sabi ko ‘Hi sir Steven, I’m Kylie and I’m from the Philippines.’” kuwento ni Kylie.

Mula nang magkakilala, naging mabuting magkaibigan na raw sila ni Steven.

“Biglang nag-usap-usap na kami, hanggang the whole time, tinatawag na niya ang name ko sa table. Tapos in-invite niya ako the next day to have coffee. We remain very good friends,” sabi ng beauty queen turned actress.

“Nagparamdam? I mean, you know that, girls know that ‘di ba?” paglilinaw na tanong ni Tito Boy.

“Oo, pero siguro… mas type siguro ng daddy ko or something,” birong tugon ni Kylie, na sinabing mas boto pa ang kaniyang ama sa action star.

 

 

“We remain in contact. Siya ‘yung tumatawag. But we’re very good friends,” sabi ni Miss International 2016.

Nagwagi si Kylie bilang Best Actress award para sa kaniyang role sa “The Housemaid.”

May upcoming movie naman si Kylie kasama si Marco Gumabao na “Baby Boy, Baby Girl” na ipalalabas sa Marso 22.

“I hope he (Steven) watches us! Sana excited siya, ise-send ko ‘yung poster,” sabi ni Kylie tungkol kay Steven. -- FRJ, GMA Integrated News