Kinumpirma ni Arra San Agustin na hiwalay na sila ng nobyo niyang basketbolistang si Juami Tiongson.
“Are you still together?” tanong ni Tito Boy sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles.
“No,” tugon ni Arra.
“We broke up last year around October. Last talk namin was first week of January, that’s when we we really cleared things out. Kasi ‘di ba kapag nagbe-break naman kayo minsan you go back and forth pa rin,” pagpapatuloy ni Arra.
Hindi itinanggi ni Arra na masakit ang breakup nila ni Juami.
“It was painful in a sense na, sa sarili ko naisip ko na I can no longer find another man who's exactly like him, ‘cause he’s my standard now. He’s so good, he’s really good, he’s a good guy, his family is good, he’s perfect.”
“Kaya lang, masyado kaming nagkaroon ng problema around 2021, buong year, ‘yung feelings nababawasan. Masyado kaming naging too comfortable. In four years of my life parang lagi lang kaming nasa house, wala na masyadong growth. Although alam ko dapat thankful ako roon, and grateful talaga ako roon,” saad ng “Mga Lihim ni Urduja” star.
May mga pagkakataon ding hindi sila nagkaunawaan dahil sa trabaho.
“Pero lalo na sa trabaho ko, I have to be proactive, so minsan nabe-blame ko siya dahil hindi ko nagagawa ‘yung ibang gusto kong gawin.”
“Unahin ko pa rin ‘yung sarili ko dapat,” saad ni Arra sa leksyong kaniyang natutunan.
Inamin din ni Arra na “lost” siya matapos ang hiwalayan nila ng kaniya na ngayong ex.
“To be honest I’m lost. Hindi ko ma-pinpoint kung nasaan ba ako ngayon. I try to ask myself ‘How do you feel? I’m lost and confused. In the context of relationship,” saad ni Arra.
Dahil dito, nagbigay ng payo si Tito Boy tungkol sa sitwasyon ni Arra.
“It’s okay to get lost once in a while. Kasi you find your way when you acknowledge that you’re lost. Ang mahirap is when you deny it, ang mahirap is when you don’t embrace na ‘nawawala ako,’” saad ng King of Talk.
Matatandaang kasama pa ni Arra si Juami sa ginanap na GMA Gala Night noong nakaraang taon. Ito ang first time na isinama niya si Juami sa public event na kaniyang dinaluhan.
Dating naglaro si Juami sa Ateneo Blue Eagles, at kasama naman ngayon sa koponan ng Terrafirma Dyip sa PBA.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News