Limang-taong-gulang lang si Bianca Umali nang pumanaw ang kaniyang ina. Limang taon pagkaraan nito, ang kaniyang ama naman ang sumakabilang buhay. Ngayong tumatanda na siya, aminado ang aktres na mas nauunawaan niya ang bigat na lumaki nang wala ang mga magulang.
Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, sinabi ni Bianca na cancer ang ikinamatay ng kaniyang ina, at sakit naman sa puso ang dahilan ng pagkawala ng kaniyang ama.
Ngayong tumatanda na raw siya, sinabi ni Bianca lagi niyang naiisip na sana ay kapiling niya ang kaniyang mga magulang.
"Noong bata po kasi ako, wala pa naman po akong naiintindihan, so I did not know the gravity ng sitwasyon kung nasaan ako na I was losing both of my parents. Kapag umiiyak ang ibang tao umiiyak ako, kapag masaya ang ibang tao masaya ako," saad ni Bianca.
"Ngayon na tumatanda ako, habang lumilinaw ang pag-iisip ko at nakikita ko ang realidad ng mundo, every year that I get old, mas nagiging raw or fresh sa akin na wala akong mommy at daddy," saad ni Bianca. "Siguro nakukuha or nagagawa ko 'yung mga bagay na dapat itinuturo sa akin, or dapat may kasama ako na gawin, but I don't have them beside me."
Nang tanungin siya ni Tito Boy kung may mga panahon na naiisip niya na, 'Sana nandito si mom, sana nandito si dad?'"
Sabi ni Bianca, "Everyday."
Gayunpaman, nilinaw ng Kapuso actress, na hindi iyon pagbalewala sa ginawang pag-aalaga sa kaniya ng kaniyang lola.
"I actually say this a million times na talagang 'yung buong buhay ko, 'yung buong ako, I owe it to my lola," sabi ni Bianca na bibida sa "The Write One" kasama si Ruru Madrid.
Dahil sa kaniyang karanasan sa buhay, sinabi ni Bianca na nag-iba rin ang pananaw niya tungkol sa kamatayan.
"I used to be afraid of death. But now thinking of it that you asked me, I think it's not scary for me to die, kasi makikita ko sila ulit. I know that they will be with me holding my hand when I go through it," anang aktres.
Mensahe ni Bianca sa mga yumaong magulang: "'I have been making it and I hope that I make you proud. Mommy and daddy, alam ko na araw-araw nakikita niyo ako, alam ko na hindi ako perpektong anak all the time but I try my best. I hope I make you proud, lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa inyo, para sa Ama at para kay mama.' I dedicate everything to them."
Pananampalataya sa Ama
Sa kabila ng kaniyang mga natatamasang tagumpay sa buhay, sinabi ni Bianca na "araw-araw" pa rin siyang nanghihina at humuhugot ng lakas mula sa Panginoon.
"Sa Ama. I pray. I ask for strength meron po akong problema, meron po tayong problema. Every time I address struggles, I don't address it as my own struggles. I address it as a struggle I will go through with him, because I know that he will be holding my hand and He has my back. At hindi Niya ako dadalhin sa paghihirap na ito kung hindi ko kakayanin. Proven and tested po 'yan Tito Boy," sabi pa ni Bianca. --FRJ, GMA Integrated News