Pinabulaanan ni Tito Boy Abunda ang ilang content na lumalabas sa internet na nag-eendorso umano siya ng isang cryptocurrency program para mag-invest ang mga tao.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, ibinahagi ni Tito Boy na nakatanggap siya ng tawag mula kay dating Pangulo at kasalukuyang House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nakiusap na linawin din ang isyu.
Pinasinungalingan ni Tito Boy ang mga lumabas na impormasyon na kinapanayam niya umano si Arroyo.
“This is not true. Ito ay isang panloloko,” sabi ng King of Talk.
Ayon kay Tito Boy, hindi ito ang unang pagkakataon na nadawit ang kaniyang pangalan sa cryptocurrency.
“Sa gilid kasi ng platform, may mga testimonials na yumaman dahil sa cryptocurrency etc. Easy money 'ika nga. Natakot ang mga bangko, ayaw ilabas dahil former President Gloria Arroyo ay kumita ng malaking pera,’” sabi ni Tito Boy tungkol sa mga patalastas umano ng programa.
“Hindi po ito totoo. This is fake, this is not true, and I did not do an interview with the former president. 'Yan po, and that is true talk,” paalala ni Tito Boy.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News