Hitik sa aksyon ang inilabas na trailer ng unang chapter ng "Fast and Furious X." Makikita rin ang mga bagong karakter na sina Jason Momoa na bumida sa "Aquaman," at ang bida sa "Captain Marvel" na si Brie Larson.

Sa "Fast X," magbabalik sina Vin Diesel, Michelle Rodriguez, Jordana Brewster, Ludacris, Tyrese Gibson, Charlize Theron, Helen Mirren, Nathalie Emmanuel, Sung Kang, at Jason Statham.

Magiging katunggali ng grupo ni Dom Toretto (Vin), ang naghihiganti na karakter ni Jason, na anak ng namatay na drug kingpin na si Hernan Reyes, sa nagdaang pelikula.

Ang naturang pelikula ay idinerek ni Louis Leterier ng nasa likod ng mga pelikulang "Now You See Me" at "The Transporter."— FRJ, GMA Integrated News