Naniniwala ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi na isa sa mga katangian ng isang Miss Universe ay nakaka-relate ito sa mga tao.

"I believe a Miss Universe doesn't have to be someone that is unreachable, but someone that has to relate to people. And I know that I am that kind of person," sabi ni Celeste sa kaniyang send-off, na ginanap sa mismong araw din ng kaniyang kaarawan nitong Disyembre 15.

Sa Star Bites report ni Aubrey Carampel, sinabing pinaghandaang maigi ni Celeste ang kaniyang pagsabak sa Miss Universe, focused sa kaniyang trainings, at pinag-isipan din ang kaniyang mga isusuot.

Higit dito, layon ni Celeste na maipakita niya sa buong mundo ang kaniyang pagiging totoo.

Nakatakda siyang lumipad patungong New Orleans sa Amerika kung saan gaganapin ang ika-71 Miss Universe pageant sa Enero 14, 2023.

Present sa send-off ang nobyo niyang Azkals player na si Mathew Custodio, ang kaniyang MUPH sisters na sina Michelle Dee, Pauline Amelinckx at Annabelle McDonnel, pati na sina Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup-Lee, na nagpahatid ng words of encouragement sa pambato ng bansa.

"I'm just so grateful and happy to be spending my birthday with all of you. It is really a blessing," sabi ni Celeste.

Very confident ang Filipino-Italian beauty queen dahil kasama niya ang team pa-Amerika.

Excited nang makita ni Celeste ang bagong Miss U crown, na ire-reveal ng Miss Universe Organization sa Lunes

Manonood din ng paligsahan ang kaniyang ina, na isa sa kaniyang inspirasyon naing maitaguyod silang magkakapatid sa kabila ng pagiging single mother.

"She's really the perfect example of a strong Filipina. And what I could notice is that no matter where she goes, she was in Italy, but she never forgot who she is, she never forgot where she came from, and that's the Philippines," sabi ni Celeste, na umaasang makukuha ang ikalimang korona para sa Pilipinas. —LBG, GMA Integrated News