Inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang publiko na sumali sa "Dulâ Táyo 2025: Pagsulat ng Dramatikong Monologo," isang onlayn na timpalak na may paksang “Paglingon sa Panitikan ng Rehiyon sa Pagpapabulas ng Panitikan ng Nasyon" para sa Buwan ng Panitikan sa Abril.
Alituntunin:
- 1. Ang Dulâ Táyo 2025: Pagsulat ng Dramatikong Monologo ay onlayn na timpalak na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Panitikan. Ito ay bílang pakikiisa sa pagdiriwang ng UNESCO International Decade of the Indigenous Languages (IDIL) 2022–2032, at ng SDGs Manila ResiliArt EarthSaving Event (under UNESCO patronage) sa pangunguna ng International Theater Institute (ITI)-Philippines Center.
- 2. Bukás ang timpalak sa mga Pilipinong edad 18 pataas, nása loob at/o labas man ng bansa, maliban sa mga opisyal at kawani ng KWF at kanilang mga kaanak.
- 3. Ang lahok ay nakasulat sa wikang Filipino at orihinal na gawa ng may-akda; hindi pa nagagawaran ng parangal, hindi pa naisusumite sa ibang timpalak o publikasyon, hindi pa naililimbag, at hindi rin salin mulâ sa ibang wika.
- 4. Hindi patatawarin ang sinumang mahuhúling nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
- 5. Ang paksa ay “Paglingon sa Panitikan ng Rehiyon sa Pagpapabulas ng Panitikan ng Nasyon.”
- 6. Gagamítin ang Arial (font), 12 (font size), 1.5 (spacing), at A4 (súkat ng papel) bílang format ng isusumiteng lahok.
- 7. Ang isusumiteng monologo ay hindi lalampas sa 20 pahina at kung itatanghal ay hindi lalampas sa 20 minuto.
- 8. Kinakailangang walang taglay na anumang pagkakakilanlan ng may-akda ang kopya ng lahok. Ang sagisag-panulat ay isusulat o makikita lámang sa entri form/pormularyo ng paglahok.
- 9. Isang entri lang ang maaaring ilahok ng bawat indibidwal.
- 10. Isumite sa pormang pdf ang Pormularyo ng Paglahok, maaaring i-download mula sa: https://shorturl.at/mZWI5
- 11. Ilagay ang lahok at ibang mga kahingian sa expandable envelope at ipadala sa adres na nása ibaba:
Lupon sa Dramatikong Monologo 2025
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusaling Watson, 1610
Kalye J.P. Laurel, San Miguel, Lungsod Maynila
- 11. Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 7 Pebrero 2025 hanggang 11:59 ng gabí.
- 12. Ang tatlong mananalo ay tatanggap ng sertipiko at sumusunod na gantimpala na babawasan ng kaukulang buwis:
Unang gantimpala, PHP10,000.00 (net)
Ikalawang gantimpala, PHP7,000.00 (net)
Ikatlong gantimpala, PHP5,000.00 (net)
- 14. Para sa pagmamarka, gagamitin ang pamantayan na:
Banghay – 25%
Gámit ng wika - 25%
Karakterisasyon - 25%
Malikhaing pagsasanib ng paksa sa piyesa - 25%
- 15. Ang pasiya ng Lupon ng mga Hurado ay pinal at hindi na mababago.
- 16. Ang pangalan ng mga mananalo ay iaanunsiyo sa KWF Facebook page sa Abril.
- 17. Pára sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349 o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.
--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News