Bukod sa pagiging isang celebrity, inaasikaso rin ni Ysabel Ortega ang kanilang poultry farm sa La Union, na nakatutulong hindi lang sa pangangailangan ng bansa kundi pati ng kalikasan.
Sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga nitong Lunes, isa si Ysabel sa guest choices tungkol sa celebrities na nagmamay-ari rin ng farm.
"Hindi kasi siya open to the public. Dahil poultry farm 'yung meron kami, para siyang sanitation na inuuna dapat ang hygiene. Hindi nagpapapasok ng mga tao, very technical talaga siya," sabi ni Ysabel.
Itinayo ang kanilang poultry farm noong 2020 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
"Sobrang laking bagay din na nandoon kami sa La Union noong pandemic kasi talagang nabigyan din namin ng time, lalo na ako kasi, since doon ako naka-based noong pandemic, talagang natutukan ko, napag-aralan ko 'yung business namin," ani Ysabel.
"From the start, nandoon na talaga ako to help my family," dagdag pa niya.
Ayon kay Ysabel, mahalaga ang maiaambag ng kanilang farm sa pagkain sa bansa, pati na rin sa pangangalaga ng kalikasan.
"Actually dream na rin talaga namin na mag-start ng agricultural-based business. Kasi siyempre kailangan natin 'yun, pagkain 'yun eh, so hindi pwedeng maubusan ng manok ang bansa. So we thought of that kasi maganda siyang business and at the same time it's good for the environment din, kasi very climate controlled 'yung poultry farm namin. So maganda siya for our kalikasan."—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News